Personal Web Log
hayyyy friday Jun 4th, 2004 4:30:14 pm - Subscribe
hayyyy kapagod ngayon araw na ito, akalain mo naman.. gabi na naman ako natulog kagabi...sabi ko sa sarili ko maaga akong matutulog kaso nag PTF sandali hayun inabot ako ng umaga na namana .

nagising ako ng umaga dahil papasok pa si panganay sa sch.. muntik ng ma late dahil 30 mins na lang oras nya darating na ang sch bus , agad agad kong ginising at pinaliguan, pinag almusal at baon sa sch... mabuti na lang on time siya at di na late sa bus.

then umalis kami ni hubby at ni bunsoy, hapon na kami naka uwi and yung spaghetti na lulutuin ko sana ng maaga eh niluluto ko na ngayon..imagine naman alas 3 ko na ito sinimulan..sana masarap ang luto ko. dahil madalian ito...

so heto , pagod na naman..behind na behind sa trabahong bahay today... laba, hugas , ligpit ng kalat..ewan ko kung mag vacum ako ng carpet ngayon..pwede naman na bukas na lang kaso gusto ko ng gawin para easy easy na lang bukas and maka pag trabaho sa garden namin

hayyyy sana maaraw bukas ng masarap mang garden... then mag luluto ako ng special dinner para sa amin... siguro TURKEY for tomorrow night...

pagod na pagod


(0) Comments
Mood: exhausted

ULAN May 31st, 2004 4:48:45 pm - Subscribe
hay naku ano ba yan? pag katapos ng magandang panahon kahapon...mag hapon naman umulan ngayon?

kainis ang ganitong panahon... sana summer naaaaaa...
(0) Comments
Mood: bored

PAGOD May 31st, 2004 4:46:28 pm - Subscribe
hayyyyy pagod na pagpod ako ngayon, paano naman alas 330 na ako ng umaga yata natulog, then aga ko nagising kinabukasan. umalis kami nag almusal sa labas then punta sa walmart namili ng mga sapatos, tsinelas, pantalon naming lahat at kung ano ano pa... nalimutan kong tumingin ng jelly bag sa walmart.. di bale babalik ako ngayong lingo. sana meron silang jelly bag.

pag kagaling diretso kami sa bilihan ng halaman, bumili sa hubby ng cherry tree. then sa meat place kaso wala silang gaanong meat and yung prime rib naman super mahal 59 dollars..... wait na lang ako sa cosco pag punta namin.

pag ka tapos namin mag punta sa lahat eh umuwi na kami, tinabi ko na lahat ng mga pinamili..yung mga pantalon bukas ko na lalabhan ....pagod na kasi ako.

pag kahugas ng plato, ininit ko yung left over naming ulam para mag lunch..then nag start na ako mag vac ng carpet, mula basement hanggang sa 4th floor...ang hirap ng malaki ang bahay pala..dati rati pangarap kong mag karoon ng malaking bahay..dahil yung dating bahay namin eh mas maliit sa bahay namin ngayon at isang palapag lang yung dati... ang hirap din ng puti ang carpet..ingat na ingat ka na di marumihan dahil pag narumihan.. mahihirapan akong mag linis nun..hmp.

pag katapos ko mag vac eh nilinis ko ang 3 banyo namin..hayyyyyyy sobraaaaaa....

mabuti na lang naawa si hubby ay wag na raw ako mag luto ng dinner... oorder na lang daw siya ng pizza... bait noh? ahahahhaha...


oh well... yan muna for now...
(0) Comments
Mood: busy

BINGO May 31st, 2004 4:37:51 pm - Subscribe
kagabi nag yaya ang hipag ko maglaro kaming bingo... well syempre umoo ako eh sarap yata mag laro minsan nun noh.

kaso kakainis tuwing malapit na akong mag bingo eh may sisigaw na BINGO!!! shooooot talaga...

2 BINGO ang nilaro namin.... then sa casino diretso kami..talo .. hmp

sana sa bahay na lang ako..nyahahhaa
(0) Comments
Mood: tired

hotdogs May 30th, 2004 2:57:04 pm - Subscribe
later mag roast kami ng mga hotdogs sa backyard... yun lang ang gusto ng mga alaga ko..plus siguro eh mag luluto ako ng corned beef igigisa ko sa bawang at sibuyas then alam na ninyo..walang kamatayan na kanin..then siguro corn also and some ceasar salad, chips..parang bbq na rin ang labas iba nga lang style

ok yanmuna...
(0) Comments
Mood: relaxed

This site and all of its contents © Copyright yourname.com, 2001 All Rights Reserved.