Personal Web Log
PAGOD May 31st, 2004 4:46:28 pm - Subscribe
hayyyyy pagod na pagpod ako ngayon, paano naman alas 330 na ako ng umaga yata natulog, then aga ko nagising kinabukasan. umalis kami nag almusal sa labas then punta sa walmart namili ng mga sapatos, tsinelas, pantalon naming lahat at kung ano ano pa... nalimutan kong tumingin ng jelly bag sa walmart.. di bale babalik ako ngayong lingo. sana meron silang jelly bag.

pag kagaling diretso kami sa bilihan ng halaman, bumili sa hubby ng cherry tree. then sa meat place kaso wala silang gaanong meat and yung prime rib naman super mahal 59 dollars..... wait na lang ako sa cosco pag punta namin.

pag ka tapos namin mag punta sa lahat eh umuwi na kami, tinabi ko na lahat ng mga pinamili..yung mga pantalon bukas ko na lalabhan ....pagod na kasi ako.

pag kahugas ng plato, ininit ko yung left over naming ulam para mag lunch..then nag start na ako mag vac ng carpet, mula basement hanggang sa 4th floor...ang hirap ng malaki ang bahay pala..dati rati pangarap kong mag karoon ng malaking bahay..dahil yung dating bahay namin eh mas maliit sa bahay namin ngayon at isang palapag lang yung dati... ang hirap din ng puti ang carpet..ingat na ingat ka na di marumihan dahil pag narumihan.. mahihirapan akong mag linis nun..hmp.

pag katapos ko mag vac eh nilinis ko ang 3 banyo namin..hayyyyyyy sobraaaaaa....

mabuti na lang naawa si hubby ay wag na raw ako mag luto ng dinner... oorder na lang daw siya ng pizza... bait noh? ahahahhaha...


oh well... yan muna for now...
(0) Comments
Mood: busy


ReCaptcha:

Posting as anonymous Anonymous guest, why not register, or login now.
This site and all of its contents © Copyright yourname.com, 2001 All Rights Reserved.